Alam kong ang second childhood ay nararanasan tangi lamang ng mga taong umabot na sa mahigit 70 taong gulang. Pero sa tingin ko, pati ako eh nagse-second childhood sa panahong ito. Hayaan niyo akong ipaliwanag kung bakit.
Kung ikukumpara ninyo ung sleep-talker na nakilala ninyo tatlo o apat na taon na ang nakakaraan, tiyak na medyo magugulat kayo kay sleep-talker ngayon. Bakit? Kasi si sleep-talker ng yester-years ay seryoso, istrikto, matataas ang pangarap, medyo may pagka-perfectionist, napaka-goal-oriented, hindi pupuwedeng walang ginagawa, matured mag-isip, maigsi ang pasensya, hyper-competitive, at aloof. Marami ngang nakapagsabi sa akin na ang tingin nila sa akin noon ay “hindi ma-reach”, at medyo may pagka-antipatiko at arogante. Kasi wala akong pakialam kung sino ang masagasaan basta ang importante nasa tama ako. Kaya naman karapat-dapat lang tawaging medyo monster yung dating ako.
Sa bagay, aminado naman akong ganoon ako dati. Sa totoo lang, defense mechanism ko ang pagiging seryoso at mahirap lapitan. Hindi kasi ako ung ma-small talk na tao. Hindi ko rin kayang i-tolerate ang walang kwentang usapan. At mas gugustuhin ko na lang na magmasid ng tao kaysa makipag-usap nang walang patutunguhang mga paksa sa mga taong hindi ko naman talaga gustong kausapain. Iyan lang naman po ang katotohanan. Bow!
Ngayon, masasabi kong medyo nabawasan ng 75% iyong pagiging monster ko. May nakakapagsabi pa rin na ako daw ay seryoso, istrikto, maigsi ang pasesnya at minsan aloof sa mga tao. Pero kumakaunti na sila. Parang ung bakod na ginawa ko para sa sarili ko unti-unti na ding gumuguho. Mahirap din pala ang manatiling socially-secluded. Gugustuhin mo din palang makipag-usap lalo na sa mga taong kayang arukin <naks ang lalim nun!> ang mga bagay na naiisip mo at sinasabi mo.
Saka nawalan na din ako ng competitive drive. Kung dati gustung-gusto ko ng paligsahan, ngayon parang mas gusto ko na lang magmasid kung sino ang mananalo at uuwing talunan. Nawala na din ung aking commitment to excellence. Kung dati dapat lahat ng sinusulat ko at least 97% grammatically correct, ngayon parang okay na ko sa 75%.
Nawala na din ang matataas na pangarap ko sa buhay. Parang nasanay na ko sa pagiging complacent; iyong tipo ba ng buhay na masaya na ko na nandito ako sa bahay, gumagawa ng articles, natutulog ng late kasi nanonood ng movies, nagiinternet hanggang madaling-araw, gumigising ng alas-10 ng umaga para simulan na naman ang siklo ng pagiging batugan <disclaimer: batugan ako kung ikukumpara kay sleep-talker three years ago, pero may trabaho naman ako at kumukuha ng post-graduate studies so hindi ako iyong klase ng batugan na nasa isip mo, okay?>
Ano kayang nangyari? Napagod ba ko sa isang fast-paced life kaya ganito ako ngayon, pabanjing-banjing? O nagcocompensate lang ako sa tila hindi ko na-enjoy na childhood years lalung-lalo na noong mga panahong nag-aaral ako? So ibig bang sabihin nito na nagsesecond childhood ako? Ang sagot: hindi ko din alam.
Pero ang kinaganda na ganito ang mga realizations ko sa buhay ay nakikita ko ung rooms for improvement. Siguro sinasabi din ng isip ko na, “Tama na ang ganitong buhay. Panahon na para kumilos ka. Hello! Darating ka na sa halos sangkapat ng buhay mo sa mundo <assuming na magiging centenarian ako heheheh> na wala man lang nagawang kahit ano.” Oo. Tama, panahon na nga para gumawa ng seryosong desisyon. Tama na ang pagse-second childhood. Kung sa bagay daranasin ko din yan mga animnapung taon mula ngayon.
Pero saan ako magsisimula? Anong daan ang tatahakin ko? Saan ako tutungo? Anong naghihintay sa akin sa landas na pipiliin ko? Hay puro tanong na lang na hindi ko alam ang kasagutan. Hindi bale, siguro naman sa gagawin kong desisyong ito, mas lalo ko pang makikilala ang sarili ko.
hindi kaya isang dahilan nito ay ang pagpapalit mo ng work environment? Alam ko demanding din ang pag-aaral at pagsusulat, pero sa tingin ko mas mabigat at mas toxic ang corporate jungle.
ReplyDeleteDahil relatively mas relaxed ka sa mundong ginagalawan mo ngayon, nagkakaroon ka ng panahon para magnilay-nilay sa buhay.
Sa loob kasi ng isang kumpanya, marami kang problemang dapat kaharapin, deadlines, clients, workmates, at isama na natin ang boss. Ang mga ito sa tingin ko ay mga stimuli para magkaroon ng competitive attitude. Siguro sa case mo, nabawasan na ang mga stimuli kaya nabawasan na rin ang drive mong maging competitive.
Opinyon lang naman ito ng isang alipin.
maraming salamat aliping_binabahay....
ReplyDeletehindi bale...sa mga susunod na panahon baka makita mo na ulit ako sa "corporate jungle"... i really miss my competitive self...and im hating my oh-so-complacent-self these days...soon yan! :D
sa totoo lang minamani ko lang ang masters...sa tingin ko nga walang bumabagsak dun eh...so ang hanap ko na ulet eh challenge...hope i will find that soon...sana this october