Jollibee Service Crew (SMART) - Nasubukan ko ding mgatrabaho sa Jollibee noon namang summer ng 2006. Plano namin noon ng kaklase ko na magsummer job tutal wala naman kaming units na pwedeng i-enroll. So nag-apply kami. Eh bumagsak nga lang siya sa exam. Kaya ako lang ang natuloy sa Jollibee Magsaysay.
Madali lang naman sa una iyong trabaho. Since part ako ng SMART crew ang pangungahing tabaho ko lang eh magdistribute ng laruan sa bawat batang magpapapalit ng Jolli-Kiddie-Meal receipt, magimbentaryo ng mga gamit sa area namin at mag-OOT (yung mga kumukuha ng order sa pila para diretso na ang pagpunch ng mga cashier ng orders sa Point-of-Sale system ng store). Pero nang maglaon, pinagprepare na din ako ng gagamitin sa mga kiddie parties.
Masaya din yun kasi ipreprepare mo ung mga laruan at costume na isusuot nung mascots. Tapos mapapanood mo iyong birthday program kasi dapat suportahan mo ung crew na naghohost ng party. Ang pinaka-ayaw ko lang na trabaho doon eh yung paglilinis pagkatapos ng party. Kasi naman sa sobrang kabusugan, iyong ibang bata nagsusuka. Tapos ung iba naman napaka-messy kumain. Kaya hayun kailangan mong linisin iyong kalat nila at sinupin ung party area.
May hindi nga lang ako nagustuhan sa patakaran ng Managers doon. May isang beses kasi na ako ung may trabaho na iprepare lahat ng kailangan sa party. Eh di nagawa ko na. Tapos kinabukasan nagbubunganga iyong isang katrabaho ko na kesyo kulang-kulang daw ang gamit. Hindi naman nila sinabi na tatlo pala ang parties the next day. Eh ang naprepare ko lang eh pang-dalawa. So kulang-kulang nga.
Pero nagawan naman ng paraan. Naganap naman iyong tatlong party nang matagumpay. Kaso bumawi naman iyong katrabaho ko. Sa susunod na araw na may dalawa ulet na birthday parties, wala siyang prinepare na kahit anong gamit. Eh di ngarag yung host at mascots kasi naubos din pala lahat ng party favors. Ayun, inireklamo ko siya sa manager. Sinabi ko hindi iyon fair kasi naman pwede namang magpasabi in advance.
Eh ung binangga ko eh may limang buwan na sa store. Beterano ika nga. At dahil ka-close niya iyong manager, ayun nabaligtad ang istorya. Doon ko narealize na kahit sa mumunting lugar ng trabaho eh may pulitika at may kone-koneksyon. At na dahil hindi ko na matiis ang pang-uusig sa akin at ang hindi mabuting trato, minabuti kong magpaalam. Tutal, hindi na rin naman kaya ng iskedyul ko sa school at puro major na ang subjects ko. So I said goodbye to Jollibee and hello sa kakarimpot ko ulet na allowance.
Johnny Appleseed Learning Center - Part-time Tutor - Nasa ikalima at huling taon ko noon sa kolehiyo nang magdecide ulit akong magtrabaho. Mabigat ang gastos ng feasibility study at kailangan eh makagawa kami ng 4 hanggang 5 produkto para sa Small and Medium Scale Industry Foundation ng aming unibersidad. So, naghanap ulit ako ng raket.
Buti na lang iyong isang kasama ko sa school newspaper eh nagtututor sa isang learning center. Pinag-apply niya ako at since matataas naman ang grades ko, syempre kinuha nila ako.
Ang unang estudyante ko ay isang Tamil (Sri Lankan) na naka-base na sa Germany. Umuwi lamang siya dito sa Pilipinas para makasama iyong tito at lola niyang may sakit. At eto pa, ang itututro ko sa kanya ay....FILIPINO...asteg diba? Sa bagay half-Tamil at half-Pinay naman siya kaya hindi rin maiaalis ang kagustuhan niyang aralin ang Filipino.
Bukod sa Filipino, tinuruan ko din siya ng Basic Algebra at English. Mahusay naman siyang estudyante. Mahilig magbasa at madaling makaintindi. Habang tinuturuan ko siya, unti-unting nabubuo sa isip ko ung pangarap kong maging guro. Nakakatuwa kasing makita na parang may light bulb sa ulo ng estudyante mo na sa tuwing tinuturuan mo siya eh lumiliwanag-nang-lumiliwanag ung imaginary light bulb sa ulo niya.
At dito na nga nabuo iyong konsepto na pagkatapos kong mag-trabaho sa "corporate world" eh babalik ako at magtuturo sa kolehiyo.
Marami din akong batang naturuan. Ung isa makulit at maingay. Ang gusto lang gawin eh maglaro. Iyong isa naman beauty queen daw sa school niya. Smart naman at may sense kaya sa tingin ko may patutunguhan naman iyong bata. Meron din na nagsu-summer sa high school kasi bagsak daw sa Math. Eh noong tinuturuan ko naman, mabilis namang niyang maintindihan ang binomials at operations involving polynomials.
Naisip ko tuloy na siguro, medyo may pagka-monster iyong nagtuturo ng Math sa Elementary at Secondary Schools. Kaya tuloy iyong mga bata instead na matuto at madalian sa Mathematics eh parang takot-na-takot o kaya naman ay suko na sa pag-aaral ng mga numero. So, isa din sa mga naging goals ko noon ay ang magtayo ng isang learning center din na magpapadali sa pagtuturo ng Math. Para naman mahalin din ito ng mga bata.
Masaya ang pagtratrabaho sa Johnny Appleseed. Mababait ang mga katrabaho ko. Pati yung boss. At siyempre maging iyong mga bata. Pero pagkagraduate ko mula sa kolehiyo, hindi naman maaari na manatili ako doon. Siyempre kailangan ko na ding i-practice kung anuman ang napag-aralan ko sa unibersidad. Dito magsisimula ang ikatlong yugto ng aking buhay-trabaho - ang pamamasukan sa "Corporate Jungle".
Itutuloy....Buhay Trabaho Part 3