Tumatakas,
Tumatakbo.
Laging namimiligro,
Ang taong tulad ko.
Kumakaripas,
Tumatalilis.
Sa humahagibis na manunugis
Ng taong tulad ko.
Binabaril,
Pinapatay.
Tila hayop na kinakatay,
Ang taong tulad ko.
Hinahanap,
Hinahagilap.
Palaging inaapuhap,
Ang taong tulad ko.
Naglalaho,
Nawawala.
Sa bundok pagala-gala,
Ang taong tulad ko.
Kamalayan,
Paglaya.
Ang tanging pinakananasa,
Ng taong tulad ko.
Prinsipyo,
Dangal.
Ang inilalaban nang matagal,
Ng taong tulad ko.
- Mula sa Tekpen 1.0, Literary Folio ng College of Engineering and Architecture, Saint Louis University
the ramblings of a sleep-talker
this is a collection of ideas, images, videos and other stuff that run through the head of someone who talks a lot even when he's asleep
Monday, August 15, 2011
Usapang Jeep
"O Plaza, Plaza, Plaza!"
Sige na, mga kasama
Magsisakay na bago pa umarangkada
Ang jeep patungong plaza
At nang ako'y kumita na
Sa aking pamamasada.
"Manong, bayad. Pakiabot."
Sige na, aleng bansot
Ang bayad ko na'y pakiabot.
Namimintig na ang aking braso't
Pagod na sa pag-abot
Sa mga baryang aking dinukot.
"Ale, pakiusog nga po."
At hindi ako makaayos nang upo.
Dahil sinakop 'nyo na po
Ang kakarimpot kong espasyo
Na binayaran ko naman po.
Upong 7.50 (na ngayo'y 8.50) lang naman sana po!
'Upo 'nyo po'y paki-ipit-ipit!"
At talaga pong ang jeep ay maliit.
Pero kailangang kumita ang drayber na gipit.
Kaya higpitan lang po ang kapit
At kayo po'y aking isisiksik
Sa jeep kong ubod nang linggit.
"Manong, para sa tabi!"
Pahinto po ang jeep sandali,
At ayaw ko na pong makisali
Sa nagsisiksikang mamimili,
Magulang at mga estudyante.
Kaya paalam na't hanggang sa muli--
Sa muli kong pagsiksik sa maliit ninyong
Jeepney.

Something Amiss?
Kung napansin ninyo lang, puro videos at songs lang mula sa YouTube ang nakapost sa king blogsite.
Paano naman kasi wala pa kong maisip na matinong "topic" na pwedeng pagkaabalahan at laru-laruin sa utak ko para makagawa ng matinong mga artikulo.
Pero sa mga susunod na araw ay pipilitin kong dumaloy ang creative juices ko nang makapagpost naman ako ng something worth reading...
Balak ko din pala na i-post ang ilan sa mga literary works ko noong kolehiyo...na na-publish din naman sa aming pahayagan at literary folio...para naman may abangan kayo sa mga susunod na araw...
Salamat sa pagbisita!

Dance Routines from SYTYCD Season 8 Part 4
Additional videos from the best reality competiton that ever graced television...SYTYCD Season 8...
And a routine which Nigel tagged as the BEST.SOLO.EVER...
Dance Routines from SYTYCD Season 8 Part 3
More videos of extraordinary dance routines from SYTYCD Season 8... Best.Season.Ever.
Sunday, August 14, 2011
Dance Routines from SYTYCD Season 8 Part 2
Here are more videos of dance routines from So You Think You Can Dance Season 8...
I'm just so glad that Melanie has been named America's Favorite Dancer...woohoo!
I'm just so glad that Melanie has been named America's Favorite Dancer...woohoo!
Favorite Routines from the Latest Season of SO YOU THINK YOU CAN DANCE
Below are the best dance routines I have compiled from SYTYCD Season 8...Enjoy!
Subscribe to:
Comments (Atom)