"O Plaza, Plaza, Plaza!"
Sige na, mga kasama
Magsisakay na bago pa umarangkada
Ang jeep patungong plaza
At nang ako'y kumita na
Sa aking pamamasada.
"Manong, bayad. Pakiabot."
Sige na, aleng bansot
Ang bayad ko na'y pakiabot.
Namimintig na ang aking braso't
Pagod na sa pag-abot
Sa mga baryang aking dinukot.
"Ale, pakiusog nga po."
At hindi ako makaayos nang upo.
Dahil sinakop 'nyo na po
Ang kakarimpot kong espasyo
Na binayaran ko naman po.
Upong 7.50 (na ngayo'y 8.50) lang naman sana po!
'Upo 'nyo po'y paki-ipit-ipit!"
At talaga pong ang jeep ay maliit.
Pero kailangang kumita ang drayber na gipit.
Kaya higpitan lang po ang kapit
At kayo po'y aking isisiksik
Sa jeep kong ubod nang linggit.
"Manong, para sa tabi!"
Pahinto po ang jeep sandali,
At ayaw ko na pong makisali
Sa nagsisiksikang mamimili,
Magulang at mga estudyante.
Kaya paalam na't hanggang sa muli--
Sa muli kong pagsiksik sa maliit ninyong
Jeepney.
- Mula sa Tekpen 1.0, Literary Folio ng College of Engineering and Architecture, Saint Louis University
No comments:
Post a Comment