Tumatakas,
Tumatakbo.
Laging namimiligro,
Ang taong tulad ko.
Kumakaripas,
Tumatalilis.
Sa humahagibis na manunugis
Ng taong tulad ko.
Binabaril,
Pinapatay.
Tila hayop na kinakatay,
Ang taong tulad ko.
Hinahanap,
Hinahagilap.
Palaging inaapuhap,
Ang taong tulad ko.
Naglalaho,
Nawawala.
Sa bundok pagala-gala,
Ang taong tulad ko.
Kamalayan,
Paglaya.
Ang tanging pinakananasa,
Ng taong tulad ko.
Prinsipyo,
Dangal.
Ang inilalaban nang matagal,
Ng taong tulad ko.
- Mula sa Tekpen 1.0, Literary Folio ng College of Engineering and Architecture, Saint Louis University
No comments:
Post a Comment