I'm discriminated against as a blonde...
Ako din, I felt discriminated against because of my religion. Paano? Ganito kasi iyon.
I was asked to apply for a teaching position sa alma mater ko. Ininform naman ako ng dati naming department head na may opening for contractual employees sa dati kong university. And since kaka-resign ko lang, I thought that this will be the fulfillment of my lifelong dream of becoming a full-fledged instructor.
So ang ginawa ko nagprocess ako agad ng requirements. Kumuha ako ng barangay, police, prosecutor's, regional trial court at municipal trial court clearances, nagparenew ng community tax certificate, pumila para makakuha ng nso-certified birth certificate at ng certified true copy ng aking official transcript of records at syempre pa nag-update ng aking resume at application letter. Then nagfile na ako ng application sa HRD ng university.
I was asked to wait for the HRD director na maging available, kasi it seemed as if busy siya. (SleepTalker: Bakit ganoon ang mga director, kahit hindi naman importante ung pinaguusapan nila ng mga kausap nila sa phone eh napakadali nilang idahilan na official business daw yun..grrr) Pero nagkawanggawa naman iyong isang member ng HR staff. Tinawag ako para mareview daw yung mga pinagsusulat ko sa resume ko. Tanong siya nang tanong, sagot naman ako nang sagot. Pagkatapos, nireview niya yung mga documents na ipapasa ko as part ng application ko. Biglang humirit si ate: Are all of these original copies? Please have them photocopied kasi mahirap mo silang maretrieve from us especially kung hindi ka naman matanggap dito.
...hmmmm... Parang na-preempt ni ate yung magiging decision ng HRD Director regarding my application...
Noong una, binalewala ko lang. Kasi nga sabi ng department head namin eh dalawang contractual faculty members ang kailangan nila. At so far, pangalawa naman ako (at feeling ko huli na rin) sa mga nag-apply sa position na yun. At kahit pa i-rank kami nung isa pang applicant, di hamak na mas deserving naman akong matanggap. Hindi sa pagmamayabang eh honor student din naman ako ng eskwelahang iyon. Nakatapos na din ako ng 18 units ng masters mula sa nasabing institusyon. At may relevant work experience din naman ako sa requirements writing at logistics management. So, kahit bali-baliktarin ang mundo, may panama naman ako sa iba pang aplikante.
Pagkatapos kong maipasa ang mga dokumento sinabihan ako nung nag-preliminary interview sa akin na tatawagan na lang daw nila ako...(SleepTalker: Tipikal na dialogue ng HR personnel: Don't call us. We'll call you.) So, ayun, pinabayaan ko na silang gawin ang trabaho nila.
Isang araw tinawagan ako ng nung isang faculty member mula sa department namin. Sabi nya lunch out daw kami at pinaulakan ko naman siya. Doon nya naikwento na kaya daw hindi na-iprocess ung dati kong application (SleepTalker: Nag-apply din kasi ako bilang instructor ng math) ay dahil sa....
TENTENENEN.....
Hindi ako Romano Katoliko.
Naalala ko lang na ayon sa ating Labor Code eh bawal na ang diskriminasyon sa mga lugar ng trabaho. At na dahil dito hindi ka maaaring tanggihan ng isang kompanya dahil sa iyong kasarian, edad, relihiyong kinaaaniban at mga paniniwala. Kaya naman kahit isang sarado-katolikong institusyon ang aking dating unibersidad, hindi nila maaaring itaboy ang isang aplikanteng hindi nila ka-relihiyon.
Tila may double-standard sa institusyong ito. Biruin mo pwede kang mag-aral sa eskwelahan nila, pero hindi ka pwedeng magtrabaho para sa kanila. Kaya naman pala. Pera-perahan lang ang usapan. Mas gusto ninyong kumita mula sa akin, pero ako hindi pwedeng maghanap-buhay at kumita sa tulong ninyo.
Nadagdagan pa ang datos na pinanghahawakan ko nang malaman ko na dahil din sa relihiyon eh hindi natanggap ang isang summa cum laude na nag-apply din bilang part-time faculty sa unibersidad namin. Mas pinaboran pa daw ng HRD ang isang aplikante na hindi nila produkto at wala namang mahusay na credentials. Ang importante sa kanila, basta Romano Katoliko ka.
Oh well... Kung ganyan din lang kayo magpatakbo ng institusyon ninyo, eh wala na akong magagawa. Ngunit pakitandaan lang po na nang magsabog ang Diyos sa langit ng talino at kakayahang magturo ay hindi lamang mga Romano Katoliko ang nakatanggap nito. Mayroon din po sa ibang grupo.
Disclaimer: Wala po akong anumang galit o himutok laban sa mga Romano Katoliko o sa anupamang grupo na may kani-kaniyang paniniwala. Naiinis lang po ako sa malinaw na diskriminasyong nagaganap sa isa sa pinakamalaking unibersidad sa Lungsod ng Baguio.
No comments:
Post a Comment